Hinintay kita buong gabi. Nagalala ako magdamag dahil hindi mo dala ang gamot mo noong umalis kapapasok sa trabaho. Sabik akong Makita ka sa pagdating mo ngayung umaga.
Dumating ka at inabutan akong natutulog. Tinabihan mo ako. Naigisng ako sa aking pagkakahimbing nang maramdaman ko ang iyong galaw sa kama . Niyakap kita pero tinanggal mo aking kamay. Kinabahan ako.
Pakiramdam ko galit ka sa akin. Tinanong kita bakit? Sinagot mo ako ng tanong… “Inadd mo daw s’ya sa Facebook?” Di ako sumagot. Sya ay ang iyong huling karelasyon bago naging tayo. Tinanong mo rin ako kung anong oras na ako natulog. Alas nuebe ang sagot ko. Hindi ka naniwala sa akin at sinabi mong sinungaling ako. Sinabi kong tinext kita bago ako matulog at para ipakita ang proof, kinuha ko ang cellphone ko at ipinikita sa iyo ang details ng text sa sent message ko. Sa di maipaliwanag na dahilan, kinakabahan ako. Inulit mo ang iyong tanong at dinugtungan ng “e kung i-add ko yung mga ex mo, ok lang sa iyo?” Kinabahan ulit ako.
Kinabahan ako hindi dahil may kung anong mali akong ginawa. Kinakabahan ako dahil galit ka nanaman sa akin. Nagaalalaako kasi baka may bago ka nanamang personal issue na kailangan nating malampasan. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko pag naiisip ko na baka may personal issues ka na naman. Hindi kasi maganda yung karanasan ko sa huling issue mo. Pero natutuwa naman ako na naresolve mo sya… at na-realize mo na mahal mo pala ako talaga.
Sumagot ako…”Siguro ok lang.”
Parang lalo kang nainis. Narinig kong sinambit mo na “ Sana pala hindi nalang ako umuwi dito.” Sabay bangon at isinuot muli ang pantalon at t-shit na katulad mo ay pagod galling trabaho.
Umikot ang buong mundo ko at pilit hinanap sa kaloob-looban ng aking isip kung ano ang maling ginawa ko. Dahil ba nag add ako sa Facebook? Dahil ba pagod ka galling sa trabaho o dahil may nagawa talaga akong dapat mong ikasama ng loob?
Habang nagbibihis ka, tinanong kita kung saan ka pupunta… tulad ng dati pag galit ka… hindi mo ako kinikibo.
Bihis ka na at bumaba, sinundan kita… patuloy na nagtatanong saan ang punta mo at nag mamakaawang wag ka na umalis. Pero tuloy-tuloy kang lumabas. Kasabay ng pag sara ng pinto and kirot na naramdaman ko sa aking dibdib. Parang may invisible na espadang tumusok sa akin.
Napaupo ako sa hagdan at hindi napigilingang umiyak. Naiwan akong umiiyak na parang bata.
Tinext kita, patuloy na nagtatanong kung saan ka pupunta. Nakailang send din ako ng text message bago ka sumagot na baka sa Katipunan ka muna magstay, matulog na ako at wag mag alala, at magapapalamig ka lang muna. Hindi ko maintindihan kung awa ba sa sarili, kaba o selos ang naramdaman ko sa una mong sagot sa text message ko. Sa Katipunan ka dati nakatira kasama s’ya.
Pinilit ko pero hindi rin ako makatulog muli. Halong pagaalala, kaba, lungkot at pag pag kamiss sa iyo ang nararamdaman ko. Ang dami kong tanong sa sarili ko, pilit na iniintindi ang sitwasyon habang buong lakas na dinadivert ang isip sa ibang bagay para lang maibsan ang sakit ng invisible na espadang nakatusok pa rin sa aking dibdib.
Tinetext kita subalit hindi ka nagrereplay. Tinatawagan ko ang cellphone mo, hindi mo din sinasagot ang tawag ko. Siguro nasa Katipunan ka na.
Habang balisa sa pagaantay sa pagbalik mo, ginawa ko itong blog na ito para mabaling ang aking isip.
Lumipas ang ilang oras, na sa aking pakiramdam ay katumbas ng habang buhay, at dumating ka, nagtatampo parin. Gayun paman, tumalon ang puso ko sa galak ng iyong pagbabalik.
12 comments:
Ah! Nagkaruon ng kuneksyon ang mga bagay na hindi inaakalang mag ka ka tugma tugma. Ahaha, ayos! Bumalik naman pala eh, hindi ko alam ang buong kwento. Pero masaya ako, bumalik sya, para sayo dude!
Hmm.
Lahat naman tayo spy.
Kahit hindi sinasadya.
Hindi yun dahilan para mawalan ng tiwala.
Well, meron lang siguro lang tayo gustong malaman.
Tayo lang ang nakakaalam.
Na kapag tinanong, di makasagot.
Kasi maliit na bagay lang. Na pwede ring lumaki. At iyon ang iniiwasan.
Lilipas din.
:)
@ ACRYLIQUE: Mali ba yung ginawa ko?
@ keb: Bumalik sya pero naiinis pa rin sya sa akin hanggang sa ngayun.
Pero ama nga... lilipas din ito.
be strong, sir.
@ jamie da vinci! Oh... I am doing my best to stay strong.
Thanks for the reminder Jamie :-D I appreciate it :-D
Hey, not sure if this is for real or if it's fiction.
If it's the former, don't beat yourself up if you know you didn't do anything wrong.
If it's the latter, I'm impressed. Makabagbag-damdamin.
Enjoy your weekend! =)
@ Angelo: It happened in real life.
I still have to learn how to writ fictions.
thanks for the kind words :-D
very interesting.. i wish i have someone right now so i can experience the same thing.
**just droppin by
sometimes sincerity is best valuated not in the validation expressed but the space afforded. sometimes it is best to heal by the forlorn comfort of space, amidst memories to remind us of our convictions.
we all dwell on certain insecurities that begets fears. and dealing with these is a lifelong and daily struggle. he must know this to have decided that clearing his mind will be healthier for the both of you.
he returns in your arms to resolve what has transpired, and authenticate your commitment. it will pass, you have each other. find solace in the fact that he returned. to seek your warmth, and to secure your doubts.
smile. life is good.
hindi ko man alam ang rason, pero feeling ko aftershock na lang yung tampo. ang mahalaga ay nagbalik siya... atleast dun, may magagawa ka pang paraan para magreconcile kayo... hoping you all the best, greenman!
cool story...i could feel how intense that must have been...
Post a Comment